Eco-shop sa Cebu, nagbebenta ng ‘plantable pencils’

via Eco Hub Cebu

Mapakikinabangan pa at magbubunga ng panibagong buhay ang mga lapis na ginawa ng isang eco-shop sa Cebu.

Imbis na pambura, gelatin capsule na naglalaman ng buto ng iba’t-ibang halaman ang nasa dulo ng lapis na ibinibenta ng Eco Hub Cebu.

Kapag maliit o pudpod na at hindi na magamit panulat, maaari nang itanim ang dulo ng lapis.


FAQs

Sinabi naman ng shop na ang mga lapis ay 100 percent natural at non-toxic, at non-GMO naman ang mga buto.

Maari nang makabili nito online!

Facebook Comments