ECO WARRIOR NG SALINUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL CHAMPION SA KALIKHASAN

Tinanghal na champion sa KaLIKHAsan Garbage Invention Competition sa Bancheto Skybox, Echague, Isabela ang mga inventor ng Salinungan National High School.

Nagtagisan ng galing ang 11 eskwelahan mula sa pribado at pampublikong high school dito sa lalawigan ng Isabela sa pagkalikha ng mga basura na maari pang pakinanbangan.

Ang imbensiyon ng mga estudyante ng Salinungan National High School ay mula sa dumi ng kalabaw na hinalo sa balat ng saging para maging kartoon at bulletin board.


Ayon sa mga inventors o eco warrior na mga estudyante ng nasabing eskwelahan, ay tatlong araw nilang pinag-aaralan at pinaghandaan ang paggawa ng nasabing produkto. Ang Echague National High School at Alicia National High School ay tabla sa 1st runner up. Tinanghal namang 2nd runner up sa nakuhang parehong puntos ang Cauayan National High School at University of La Sallete sa Santiago City.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5iFM Cauayan kay Ginang Jessica Dy, Eco Warrior at Director General ng Mengal Festival, nais nilang ipamulat sa mga kabataan na maaari pang masulosyunan ang problema sa basura sa boung mundo hindi lang sa Isabela. Ito pamamagitan ng mga malikhaing mag-aaral dahil sila ang pag-asa ng bayan sa bagong henerasyon. Aniya, may pera sa basura dahil pwedeng itong pagkakitaan lalo sa taong malikhain gaya ng mga naisip ng mga kabataang estudyante.
Naisagawa ang adbokasiyang ito, sa paraang malikhain at pangangalaga sa kalikasan para labanan ang problema sa basura.
Ang naturang aktibidad ay bilang bahagi sa pagdiriwang ng Mengal Festival 2019 ng nasabing bayan.

Attachments area

Facebook Comments