Umapela ang economic adviser ng pamahalaan na maghintay pa ng konting panahon hinggil sa hirit na taas-sweldo para sa mga manggagawa.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, posibleng may ipatutupad na hakbang ang pamahalaan sa pagsuspinde ng excise tax at ibang pamamaraan tulad ng ayuda upang maibsan bigat ng pagtaas ng produktong petrolyo.
Aniya, maaari kasing pansamantala lamang ang mataas na presyuhan ng petrolyo sa world market na dulot ng sigalot ng Russia at Ukraine at kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon doon ay hindi na pwedeng bawiin ang mga naibigay dagdag-sweldo.
Dagdag pa ni Concepcion na labis na maapektuhan dito ang maliliit na negosyo at ang sektor ng turismo na ngayon palang bumabangon kung kaya’t dapat na bigyan muna sila ng sapat na panahon para makabawi.