Economic amendments sa Konstitusyon, kailangan nang isakatuparan

Suportado ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang panawagan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na talakayin ang economic amendments sa susunod na taon at repasuhin ang mga probisyon ng Konstitusyon.

Ayon kay Barbers, ito ay para mas maibenta ng pangulo ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan na magpapabilis sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas para hindi tayo mapag-iwanan ng ibang mga nasyon lalo na ating mga kasamahan sa Association of Southeast Asian Nations.

Giit ni Barbers, mayroong talagang dapat na ayusin sa 1987 Constitution upang makatugon ito sa kasalukuyang pangangailangan ng bansa.


Ipinunto pa ni Barbers, na ang pag-amin ng mga gumawa ng Konstitusyon na wala silang konkretong basehan kung bakit nilagyan ng cap na tatlong termino ang mga kongresista ay sapat ng rason para muli itong pag-aralan.

Ayon kay Barbers, noon pang 1995 ay sinasabi ng premature ang pag-amyenda sa Konstitusyon at mahabang panahon na ang lumipas mula ng ilutang ni dating Pangulong Fidel Ramos ang pangangailangan na amyendahan ito.

Facebook Comments