Umapela si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) na agad bakunahan ang economic at government frontliners na kabilang sa category A4 ng priority list.
Ayon kay Zubiri, dahil sa pagsisikap nina Secretry Carlito Galvez at Secretary Vince Dizon ay nasa mahigit seven million COVID-19 vaccines na ang dumating sa bansa pero karamihan ay nananatiling nakaimbak dahil nasa mahigit 2-milyon pa lang ang nababakunahan.
Napag-alaman ni Zubiri na karamihan sa mga vaccination centers ay wala na halos nagpapabakuna na kabilang sa A1 hanggang A3 categories na kinabibilangan ng mga frontline health workers, senior citizens at persons with comorbidities.
Giit ni Zubir,i dapat nang buksan ang pagbabakuna sa A4 frontliners na sumasaklaw sa mga essential economic workers sa pribado at gobyerno gayundin ang mga uniformed personnel.
Bukod sa National Capital Region at mga karating na lalawigan ay iminungkahi ni Zubiri na pabalisin na rin pagbabakuna sa mga taga-probinsya kung saan tumataas na rin ang COVID-19 cases.