Economic Cha-cha, dapat ituloy ng dalawang kapulungan kahit lumabas sa survey na kontra rito ang karamihan sa mga Pilipino

Iginiit ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez sa Kamara at Senado na ituloy ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Sinabi ito ni Rodriguez kahit lumabas sa survey ng Pulse Asia na mayorya ng mga Pilipino ang kontra sa Charter change (Cha-cha).

Binigyang diin ni Rodriguez na malinaw ang layunin ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at iba pang lider ng bansa na ang pagreporma sa economic provisions ng saligang batas ay magpapasok ng mas maraming dayuhang pamumuhunan sa bansa.


Paliwanag ni Rodriguez, masisira ang imahe ng Pilipinas sa investing community kung magiging urong-sulong ang gobyerno pagdating sa pagbubukas ng ekonomiya.

Facebook Comments