I-a-adopt na ng House Committee on Constitutional Amendments sa susunod na linggo ang Resolution of Both Houses No. 2.
Ayon kay Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin, pagbobotohan na sa darating na Martes ang isinusulong na economic Charter Change (Cha-Cha) para maisalang na agad sa plenaryo.
Pero bago ito, sinabi ni Garbin na pagkatapos i-adopt ng komite ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon ay lalagdaan at aaprubahan muna ang committee report nito.
Matapos naman ang signing ng committee report ay saka ito dadalhin sa committee on rules para mai-refer sa plenaryo at masimulan na ang deliberasyon.
Mangangailangan naman ng 3/4 votes sa lahat ng mga myembro ng Mababang Kapulungan para tuluyang mapagtibay ang panukalang economic Cha-Cha.