Economic Cha-Cha, suportado ng CHED

Kumbinsido ang Commission on Higher Education o CHED na ang pagkakaroon ng kontrol at pagmamay-ari ng mga dayuhang mamumuhunan sa educational institutions ay makatutulong para mapahusay at maging globally competitive ang ating mga kolehiyo at unibersidad.

Sinabi ito ni CHED Chairman Prospero de Vera sa deliberasyon ng House Committee of the Whole sa resolution of both houses na nagsusulong ng Economic Charter Change.

Sabi ni De Vera, ilang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation ang ibinukas na sa mga dayuhang negosyante ang kanilang Hight Educational Institutions sa mga nakalipas na taon.


Pangunahing inihalimbawa ni De Vera ang Malaysia at Singapore na nag-amyenda pa ng kanilang mga batas para pahintulutan ang mga dayuhang kompanya na makibahagi sa pagpapatako ng mga eskwelahan.

Sabi pa ni De Vera, sa naturang mga bansa ay binibigyan pa ng insentibo ang mga dayuhang paaralan na magtatayo o magkakaroon ng partisipasyon sa kanilang higher education.

Facebook Comments