Inamin ni Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairman Senator Robin Padilla na patay na ang isinusulong na Charter Change o ang ChaCha sa Kongreso.
Partikular na tinukoy ni Padilla na patay na ang ChaCha ay ang patungkol sa isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Itinuturo naman ng senador sa tuluyang hindi na pag-usap ng ChaCha ang gulo na namuo sa pagitan ng mga lider sa Kamara.
Hiwalay pa ito sa hindi pagsuporta sa economic ChaCha ng marami sa mga senador matapos na apat lang sa mga miyembro ng PDP-Laban sa Senado ang lumagda sa kanyang committee report at ang ibang mambabatas na kasapi naman ng kanyang komite ay walang sagot o lagda.
Batid din ni Padilla na nadaig ang ChaCha nang matapos na ang implementing rules and regulations ng Public Service Act at sa ngayon ay ito na muna ang kanilang babantayan kung ang batas ay magiging epektibo sa pagtaas ng foreign direct investments at paglago ng ekonomiya.
Isa rin sa babantayan ng senador ang Maharlika Investment Fund na sinasabi ring makapagpapataas ng investment sa bansa.