ECONOMIC CRIMES | Naarestong Chinese fugitives, ilalagay sa blacklist ng BI

Ilalagay ng Bureau of Immigration (BI) sa blacklist ang dalawang naarestong Chinese fugitives na sangkot sa economic crimes sa Beijing.

Layon nito na matiyak na hindi na muli makakapasok sa bansa sina Fu Hanzhou, 42-anyos at Huang Meizhen, 37-anyos.

Una na ring naaresto ang isa pa nilang kasamahan na si Lian Lilong, na sangkot din sa credit card fraud scheme sa China.


Dalawa pang kasamahan ng mga ito na sangkot din sa nasabing kaso ang patuloy na pinaghahanap ng Bureau of Immigration (BI).

Facebook Comments