Economic fallout, maaaring maranasan ng Pilipinas dahil sa nagpapatuloy na giyera ng Russia at Ukraine

Ibinabala ni Finance Secretary Carlos Dominquez III na maaring maharap ang Pilipinas sa economic fallout dahil sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Dominguez, bagama’t hindi natin major trading partner ang dalawang bansa ay apektado ang ating merkado ng pagtaas ng langis at trigo na pangunahing ginagamit sa paggawa ng harina.

Paliwanag ni Dominguez, kapag tumaas pa ang presyo ng langis at ng pagkain ay magkakaroon ng surge sa interest rates at maaaring bumaba o maantala ang mga investments dito sa Pilipinas.


Umaasa naman si Dominguez na hindi na magtatagal ang krisis pero aminado siyang magkakaroon pa rin ito ng mga long term effect.

Sa kabila niyan, kumpiyansa ang kalihim na malalampasan ng bansa ang krisis dahil mayroon tayong mga ginagawang paghahanda upang matulungan ang mga Pilipino.

Facebook Comments