Economic intelligence, ipapakalat ng DA sa ilang pamilihan

52

Nakatakdang magpakalat ng economic intelligence ang Department of Agriculture (DA) para hulihin ang mga mapagsamantalang traders sa ilang pamilihan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, marami sa mga traders mula sa probinsya ang nagpapatong ng sobrang taas na presyo sa kanilang paninda sa Metro Manila dahilan para tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin.


Aniya, hindi sila mag-aalinlangan na kasuhan ang mga ito.

Facebook Comments