Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na kayang ipaliwanag ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbawi ng mga ito ng kanilang rekomendasyon sa pagpataw ng excise tax sa petrolyo sa susunod na taon.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, alam ng mga economic managers kung ano ang paliwanag sa kanilang pagbawi sa una na nilang rekomendasyon sa Pangulo.
Sinabi ni Panelo na nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN na sususpindihin lamang ang pagpatay sa excise tax kung papalo sa 80 dollars per barrel ang presyo nito sa international market sa loob ng tatlong buwan.
Sa ngayon, aniya ay patuloy ang pagbaba ng presyo nito sa international market at sa katunayan ay walong beses nang nagpapatupad ng rollback ang mga oil companies sa bansa.