Economic managers ng administrasyong Duterte, itinutulak pa rin ang pagbubukas sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng mataas na kaso ng COVID-19

Patuloy na itinutulak ng economic managers ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng ekonomiya sa kabila ng pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Ang mga kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) ang tinaguriang economic managers ng bansa.

Sa kanilang joint statement, sakaling buksan na ang ilang establisyimento sa bansa ay mas bibilis ang paglago ng ekonomiya at mas maraming trabaho para sa mga Pilipino ang malilikha ngayong taon.


Naglabas ng rin ng estratehiya ang mga economic managers sakaling buksan na muli ang ekonomiya.

1. Una, ligtas na pagbubukas ng ekonomiya habang mahigpit na sumusunod sa health standards.

2. Ikalawa, pagpapatupad sa recovery package lalo na sa mga pondong inilaan na sa ekonomiya ngunit hindi pa buong nagagamit.

3. Huli, pagtitiyak na naipapatupad ang vaccination program ng bansa ng tama sa oras.

Samantala, iginiit ng Pangulo na hindi luluwagan ng pamahalaan ang quarantine restrictions kahit gumugulong na ang vaccination program kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments