Economic managers ng palasyo, papaharapin sa committee of the whole na iko-convene ng Senado para talakayin ang tax reform package ng Duterte administration

Manila, Philippines – Sa isinagawang caucus ngayong hapon ay nagkasundo ang mga senador na i-convene ang Committee of the Whole para talakayin ang tax reform package ng administrasyong Duterte.

Ibig sabihin sa halip na ang committee on ways and means na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara ay buong senado na ang tatalakay sa nabanggit na panukala ukol sa pagbubuwis.

Ang nabanggit na hakbang ay makaraang hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address na ipasa ng senado ang Tax Reform Package para matustusan ang mga programa lalo na ang mga nakalatag na infrastrature projects ng gobyerno.


Ayan kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto III, sa gagawing pagbusisi ng committee of the whole sa tax reform package ay papaharapin ang mga economic managers ng Malakanyang para sagutin o bigyang linaw ang katanungan ng mga senador.

Sabi pa ni Sotto, malabong maipasa sa Senado ang buong bersyon ng Tax Reform Package, dahil maliban sa marami silang kwestyon dito ay binago na rin ng kamara ang bersyon ng palasyo.

Sabi ni Sotto, pangunahin sa kanyang kwestyon ay kung bakit 900 billion pesos ang target na makolekta gayong aabot naman sa 140 billion pesos ang mawawala sa koleksyon ng gobyerno dahil sa ibibigay na tax relief sa mga taxpayers.

Punto ni Senator Sotto, sobra-sobra naman ang gustong pambawi ng pamahalaan para sa inaasahang mawawala o mababawas sa revenue collection dahil gagawin reporma sa pagbubuwis.

Facebook Comments