Matapos ang byahe sa Japan kasama si Pangulong Duterte, hinikayat ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang mga incoming Congressmen sa 18th Congress na tutukan ang mga polisiyang magpapalago sa ekonomiya ng bansa.
Aniya, nakaatang sa kanilang mga kongresista ang pagpapasa ng mga batas na pang ekonomiya na kailangan upang mapanatili ang mataas na productivity growth ng bansa.
Partikular na pina-a-amyendahan ang Foreign Investment Act, public service act at retail trade liberalization act na hihimok sa mga negosyanteng mamuhunan sa industry and services na magpapalago sa prime construction.
Nanawagan din ito na magkaroon ng bagong batas sa pagpapabuti ng komunikasyon, teknolohiya, pagpasok ng mga foreign investors, total expenditure para sa research and development, pagpapadali sa pagsisimula ng negosyo, pagpapatupad ng mga public sector contracts, knowledge transfer, total public expenditure sa education and development at ang aplikasyon sa teknolohiya.