Economic recovery, inflation at internet connectivity; ilan sa mga usapin na nais marinig ng Kamara sa unang SONA ni PBBM

Umaasa si Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera na mababanggit sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos  jr. ang mga plano nito kaugnay sa mga problemang umusbong sa gitna ng pandemya.

Kabilang sa mga pangunahing nais marinig ng kongresista sa unang SONA ni Marcos ang plano para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa, solusyon sa patuloy na pagtaas ng inflation at ang napakabagal na internet connectivity.

Ayon kay Herrera, mahalagang may “master plan” ang administrasyon upang magsilbing gabay sa economic recovery ng bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.


Bukod dito, nais din sanang malaman sa SONA ang resources o mga pondong paghuhugutan para mapondohan ang mga programang ilalatag para sa muling pagsigla ng ekonomiya.

Hirit din ng kongresista na mailatag sana ng pangulo sa kanyang SONA kung papaano pabababain ang presyo ng mga nagtataasang bilihin para sa mga mahihirap na pamilya.

Hinihiling din ng lady solon na marinig sa Lunes na ipaprayoridad ng pangulo ang mas mabilis na internet connectivity lalo pa’t halos lahat ng transaksyon, negosyo, edukasyon at maging ang trabaho ay digitized na o gumagamit ng internet.

Facebook Comments