Economic resiliency ng bansa sa harap ng Global Economic Slowdown, sentro ng talakayan ng sectoral meeting na pinangunahan ni PBBM

Naging sentro ng sectoral meeting ngayong linggong ito ay tungkol sa katatagan ng ekonomiya ng bansa sa harap ng Global Economic Slowdown.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpupulong kasama ang economic cluster.

Kasama sa pagpupulong sina Finance Secretary Benjamin Diokno, NEDA Director General Arsenio Balisacan at DBM Secretary Amenah Pangandaman.


Maliban sa mga bumubuo ng economic cluster ay nasa pulong din ang ilan pang mga miyembro ng gabinete.

Nasa meeting rin sina DPWH Secretary Manuel Bonoan, DICT Secretary John Ivan Uy, DOLE Secretary Bienvendio Laguesma, DSWD Rex Gatchalian at si Agriculture Department Secretary Francisco Tiu- Laurel.

Inaasahan naman na magkakaroon ng briefing sa Palasyo si Finance Secretary Benjamin Diokno para ilahad ang pinagusapan kaugnay sa estado ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments