Manila, Philippines – Inatasan na ng Malacañan ang Philippine National Police (PNP) na sampahan ng kasong economic sabotage ang mga manufacturer, distributor at nagbebenta ng pekeng gamot.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa – nonbailable offense ang economic sabotage.
Pinag-aralan ng palasyo at galing na aniya mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte na economic sabotage ang isasampa laban sa mga maaresto.
Paliwanag ni Dela Rosa – layunin nito na hindi na muling makapagpiyansa ang mga ito at matigil ang pagbebenta at paggawa ng mga pekeng gamot.
Ang economic sabotage ay mayroong maximum penalty na habambuhay na pagkakakulong.
Facebook Comments