Economic sabotage, pinaaamyendahan ni PBBM sa kongreso na gawing krimen

Pinaaamyendahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kongreso ang batas laban sa mga sangkot sa agricultural smuggling.

Sa talumpati ng pangulo sa Capiz matapos mamigay ng libreng bigas sa mga benepisyaryo ng 4Ps, nanawagan ito sa mga mambabatas na tuluyan nang gawing krimen ang economic sabotage.

Hndi naiwasan ng pangulo na sabihing nakakagalit ang mga sangkot sa smuggling at hoarding ng bigas.


Nasisira kasi ayon sa pangulo ang daloy ng merkado kaya tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Gayunman, giit ng pangulo ay kahit gaano pa kalaki ang sindikato ng smuggling at hoarding, wala itong laban sa nagkakaisang lakas ng pamahalaan at ng publiko.

Panawagan ng pangulo sa publiko magsumbong sakaling may nalalamang mga iligal na gawain katulad ng smuggling at hoarding.

Kasabay ng pamamahagi ng libreng bigas, namigay rin ng pangulo ng iba’t ibang klase ng tulong ng pamahalaan.

Ilan dito ang tulong pinansyal, livestock insurance, corn insurance at rice insurance, livelihood assistance, medical assistance, scholarship program at iba pa.

Facebook Comments