Economic strategy ng bansa, dapat nang baguhin ayon sa isang ekonomista

Naniniwala si dating Department of Social Welfare and Development Officer-in-Charge at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila President Emmanuel Leyco na panahon na para baguhin ng gobyerno ang economic strategy ng bansa.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Leyco na halos wala rin namang kinikita ang gobyerno ngayon lalo na’t umaasa lamang tayo dati sa remmittance ng mga Overseas Filipino Workers na ngayon ay isa sa pinakaapektado ng COVID-19 crisis.

Dagdag pa ni Leyco, kahit pa malakas ngayon ang mga benta sa online ay karamihan dito ang mga ini-import pa kung saan mababa lamang naman ang ipinapataw na taripa ng pamahalaan.


Ayon pa kay Leyco, para muling makabangon ang ating ekonomiya ay dapat nang pagtutunan ang pagkakaroon ng maayos na transportasyon at palakasin ang sektor ng agrikultura.

Matatandaang bumagsak ng 9.5 percent ang ekonomiya ng bansa sa nakalipas na taon dahil sa epekto ng African Swine Fever at ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments