Economic target ng bansa ngayong taon, kaya pa ring maabot sa kabila ng sunod-sunod na rally —Malacañang

Kaya pa ring maabot ng gobyerno ang mga economic target ngayong taon sa kabila ng mga isyung kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, tuloy-tuloy ang effort ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maabot ang target sa gross domestic product o GDP, na sukatan ng kita at paglago ng ekonomiya.

Aminado ang Palasyo na may epekto sa ekonomiya ang sunod-sunod na rally dahil sa gulo at istorbo na dulot nito.

Pero naniniwala silang sa tulong ng economic managers at kooperasyon ng publiko, posible pa ring maabot ang mga target.

Pahayag ito matapos balaan ng Department of Economy, Planning, and Development na baka hindi na naman maabot ng administrasyon ang GDP growth target sa ikatlong sunod na taon.

Sa huling datos, 4% lang ang GDP growth ng bansa sa third quarter, malayo sa 5.5% hanggang 6.5% na target ng gobyerno.

Facebook Comments