Economic team ng gobyerno, hinamong panatilihin ang abot-kayang presyo ng baboy, bigas

Hinamon ni Sen. Grace Poe ang economic team ng gobyerno na tiyaking mananatiling abot-kaya ang presyo ng karne ng baboy at bigas.

Kasunod ito ng kanilang rekomendasyon na babaan ang taripa sa imported na bigas at karne ng baboy na magreresulta rin sa pagkawala ng kita ng pamahalaan.

Diin ni Poe, umaasa ang publiko na tutuparin ng economic team ang pinangako kaya dapat maramdaman ng bawat pamilyang Pilipino na hindi lang mga importer ang makikinabang sa pagbababa ng taripa sa rice at pork importation.


Nangangamba rin si Poe na ang mawawalang kita dahil sa ibinabang taripa ay makaapekto sa pambansang pondo sa susunod na taon.

Nag-aalala si Poe kung aling serbisyo ng gobyerno ang maaapektuhan o titipirin dahil sa inaasahang mawawalang koleksyon dahil sa nabawasang taripa sa inaangkat na karne ng baboy at bigas.

Facebook Comments