Manila, Philippines – Naniniwala si Committee on Economic Affairs Chairman Sherwin Gatchalian na kaya ng Pilipinas na mawala ang tulong pinansyal mula sa European Union.
Kung ito anya ang kapalit ng tunay na independent foreign and economic policies ng bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Gatchalian kasunod ng pasya ng Duterte administration na huwag tanggapin ang mahgiit 13 billion na tulong mula sa European Union.
Gayunpaman, nais matiyak ni Gatchalian na hindi ito magiging daan para maputol ang economic ties ng Pilipinas sa EU na binuo sa mahabang panahon.
Diin ni Gatchalian, dapat manatiling bukas ang Pilipinas sa makabuluhang trade relations sa alinmang bansa o organisadyon basta’t kaakibat nito ay maganda at patas na hangarin.
DZXL558, Grace Mariano