Economic ties ng Pilipinas at Hawaii, mas palalakasin pa ng pamahalaan

 

Mas palalakasin pa ng Pilipinas at Hawaii ang kooperasyon nito sa kalakalan, agrikultura at turismo.

Sa courtesy call ng Filipino Chamber of Commerce of Hawaii at Honolulu City Council Trade Mission sa Malacañang, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang suporta sa paghanap ng paraan para mas mapalalim ang economic ties ng Hawaii at Pilipinas.

Ayon sa pangulo, naniniwala siyang malaki pa ang potensyal ng kooperasyon sa iba’t -ibang larangan lalo’t halos magkapareho ang pangangailangan ng ilang lugar sa Pilipinas at ng Hawaii na tahanan rin sa maraming Pilipino.


Inilatag din nito ang potensiyal ng Pilipinas sa mga negosyante sa Hawaii na kasalukuyang bumibisita sa bansa.

Pinaluwag na rin aniya ang mga polisiya sa pagbubukas ng negosyo sa Pilipinas upang makahikayat ng mas maraming dayuhang pamumuhunan.

Sa nakaraang pagbisita sa Hawaii, inimbitahan ng pangulo ang mga Pinoy doon na magbakasyon sa Pilipinas at magsama ng mga kaibigan para maipasyal sa magagandang lugar dito.

Nagpasalamat din ang pangulo sa mga taga-Hawaii sa pagkupko sa kanilang pamilya noon.

Facebook Comments