Inaasahan na nang Private Sector Advisory Council (PSAC) na mas magiging maganda ang samahan ng gobyerno ng Pilipinas at mga pribadong sektor para sa economic vision ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa Pilipinas.
Ayon kay Sabin Aboitiz, presidente at CEO ng Aboitiz Group, malaking halaga nang pera ang kakailanganin ng Pilipinas para makapagsagawa ng mga infrastracture projects katulad ng mga kalsada, pantalan at Paliparan.
Kaya naman ngayon pa lang, sinasabi na ni Aboitiz na willing ang PSAC na maging partner ng Marcos Administration para maisakatuparan ang mga proyektong ito.
Kapalit nito ay ang pagtutulungan na mai-promote ang Pilipinas para mas yumabong ang negosyo ng mga private sectors.
Giit pa ni Aboitiz, hindi lang pondo ang kailangan ng Pilipinas sa halip kailangan din ng expertise mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.
Kaya naman, willing aniyang makipag-partner ang private sector para maresolba ang problema sa bansa na hindi lang band-aid solution na tumatagal lang ng isa hanggang tatlong taon sa halip ang target ay long-term solution.
Sa ngayon, ayon kay Aboitiz, dahil sa inisyal na inisyatibo ng kasalukuyang administrasyon para mapaangat ang ekonomiya, darating ang araw na ang Pilipinas ay maikokonsidera nang susunod na isa sa maunlad na bansa sa Asya.