Economy class na mga pasahero sa eroplano, pinalilibre sa pagbabayad ng travel tax

Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo na alisin na ang pagbabayad ng travel tax ng mga pasahero sa eroplano na nasa economy class.

Sa Senate Bill 2764 na inihain ni Tulfo, inaamyendahan ang Presidential Decree 1183 na nag-uutos ng pagkolekta ng travel tax sa lahat ng pasahero ng eroplano sa bansa.

Ayon kay Tulfo, Chairman ng Senate Committee on Public Services, malaking bagay kung mababawasan ang bayarin ng isang average na Pinoy na gusto lamang makabyahe sa abroad.


Sa kasalukuyang batas ay tanging mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lamang ang exempted sa pagbabayad ng travel tax.

Naunang naghain na rin ng ganitong panukala si Senate Minority Leader Koko Pimentel kung saan naniniwala naman siya na hindi dapat binubuwisan ng pamahalaan ang paggamit ng mga Pilipino sa kanilang “constitutional right to travel”.

Facebook Comments