ECOP, dismayado sa two-week ECQ; Mga employers, sagad na rin!

Dismayado ang Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) sa desisyon ng pamahalaan na magpatupad ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., na sayang lang ang dalawang linggo sarado ang ekonomiya kung wala rin namang espesyal na gagawin sa panahon ng ECQ.

Ayon pa kay Ortiz-Luis, sagad na rin ang mga employer kaya hindi nila tiyak kung may tulong pa silang maibibigay sa mga kanilang mga empleyado.


Samantala, tinatayang aabot sa P240 billion ang halagang masasayang dahil sa dalawang linggo ECQ sa Metro Manila.

Ayon kay Ortiz-Luis, hindi pa kasali rito ang kitang mawawala sa gobyerno simula August 1 hanggang 5 kung saan umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) ‘with heightened and additional restrictions.’

Facebook Comments