ECOP: Mga biyahe sa abroad ni PBBM, isa sa dahilan ng pagtaas ng employment rate

Kumbinsido ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na malaking ambag sa paglikha ng trabaho sa Pilipinas ang mga biyahe ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa ibang bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., na nakaambag din sa job generation ang patuloy na pagbubukas ng pamahalaan ng ekonomiya.

Kabilang aniya sa mga lumalagong industriya ay ang konstruksyon, agrikultura, administrative at food services, at public administration at defense naman sa panig ng gobyerno.


Dagdag pa ni Ortiz-Luiz, na halos linggo-linggong naghahanap ng kasosyo ang Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Kaya naman naniniwala ang ECOP na ang pagtaas ng employment rate na 95.5% nitong June, ay kasunod ng puspusang panghihikayat ng Philippine delegation sa foreign investors papasok sa Pilipinas.

Facebook Comments