ECOP, pinag-aaralan pa ang posibleng epekto ng pagtataas ng SSS contribution

Manila, Philippines – Hindi man buo ang suporta ng Employers Confederation of the Philippines sa naka-ambang taas singil sa buwanang Social Security System (SSS) contribution.

Tinitignan na lamang ng ECOP ang magiging positibong epekto nito lalo na sa hanay ng mga manggagawa.

Ayon kay ECOP President Donald Dee, sa kanyang pananaw hindi makatwirang itaas ang monthly contribution ng isang manggagawa para lamang tumaas ang makukuha nitong pension balang araw.


Pero dahil plantsado na ang taas singil sa monthly contribution ng mga SSS members pinag-aaralan na lamang ng ECOP ang posibleng epekto nito.

Inaasahang sa Mayo maipatutupad ang nasabing 1.5% increase sa contribution rate.

Hahatiin ang kontribusyon sa dalawa na paghahatian ng employer (two-third) at ng employee (one-third).

Ayon sa SSS, ipatutupad ang increase sa buwanang kontribusyon dahil umiksi ang fund life ng ahensya makaraang iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ng P2,000 ang pensyon ng ilang SSS members.

Facebook Comments