Manila, Philippines – Pumalag ang Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) sa panibagong umento sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region.
Ayon sa Presidente ng ECOP na si Donald Dee , masyadong mataas ang 21 pesos na dagdag sahod para sa mga minimum wage earners.
Ang nasabing dagdagag sahod ay aprubado na sa Oktubre mula noong inanunsiyo ito ng Regional Tripartite wages and Productivity dahil sa kabi-kabilang petisyon sa umento ng sahod.
Dahil dito, mula sa 491 minumum wage ay magiging 512 pesos na ito.
Samantala, iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na dapat sumunod ang mga employers sa naturang umento para sa mga manggagawa sa NCR.
Facebook Comments