ECOP, tutol sa mungkahing ibalik ang flexi work arrangement

Hindi sang-ayon ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa ipinalulutang na ibalik ang flexible work arrangement sa mga manggagawa ngayong nakakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis na hindi dapat pansinin ang uptick o pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Aniya, kahit tumaas ang kaso ay kundi mild ay asymptomatic lamang ang karamihan ng COVID cases sa bansa.


Paliwanag pa nito, ibang usapan na kapag dumarami ang namamatay na hindi naman ipinakikita ng mga datos sa ngayon.

Giit pa ni Ortiz, dapat magtuloy-tuloy ang pagbabalik sa normal ng buhay ng mga Pilipino kahit nananatili ang banta ng COVID-19 upang sumiglang muli ang ating ekonomiya, dumami ang makakapagtrabaho basta’t panatilihin lamang ang pagsunod sa minimum public health standards.

Facebook Comments