ECOTOURISM FACILITY NA HALAGANG P1.5-M, PINASINAYAAN SA TUMAUINI, ISABELA

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan ng Protected Area Management Board (PAMB) ang eco-tourism facility sa Watershed Natural Park (TWNP)sa Tumauini, Isabela na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2.

Ang TWNP ay isang legislated protected area sa ilalim ng Republic Act 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Area Systems Act.
Ayon sa DENR, may kabuuang lawak na 6,509 ektarya na nakakasakop sa anim na barangay ng naturang bayan.

Ayon kay DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan, ang ecotourism bilang isa sa sustainable na negosyo sa isang protected area.

Nagkakahalaga umano ng P1.5 milyon ang picnic shed at ticket booth na itinayo sa tabi ng Magoli River na pinondohan ng Biodiversity Management Bureau ng ahensya.

Dagdag pa ng opisyal, mahihikayat umano ang lokal na pamahalaan ang ang komunidad na protektahan ang lugar dahil ito ang kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.

Hiling naman nito sa mga residente ng barangay na nakakasakop sa tourism site na magtanim ng mga puno na makakatulong sa pagpapanatili ng watershed na nakapalibot sa park.

Samantala, prayoridad naman ng lokal na pamahalaan na mapaunlad ang turismo sa kanilang bayan bilang dagdag atraksyon.

Pinangunahan ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan at Assistant Regional Director Marcos Dacanay, Mayor Arnold Bautista, at iba pang miyembro ng PA governing board ang inagurasyon.

Facebook Comments