EcoWaste, babantayan ang aksyon ng Canada sa pagbawi sa kanilang toxic waste na itinambak sa bansa

Manila, Philippines – Umaasa ang isang maka kalikasang grupo na hindi na naman mauuwi sa mga malalabong pangako ang binitawang salita ng Canadian government na tuluyan pagbawi sa nasa 103 container vans ng basura na itinambak sa bansa.

Ayon kay Eileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition, sa wakas ay matutuldukan na ang halos anim na taon na pagdedma ng  Canadian government sa naturang isyu.

Aniya, halos anim na taon na natengga ang mga basura dahil sa mga palusot at paikot ng Canada.


Iginiit ni Lucero na hindi na dapat pumayag pa ang Philippine government sa anumang pre-condition ng gobyerno ng Canada sa pag-reclaim ng kanilang mga basura.

Ang patuloy na pananatili sa bansa ng Canadian wastes ay direktang paglapastangan sa mga umiiral na batas pang kalikasan ng Pilipinas.

Matapos na magbanta si Pangulong  Rodrigo Duterte na siya na mismo ang magbabalik ng mga basura sa Canada, umaksyon agad ang  Canadian Embassy sa Manila sa pagsasabing handa ang kanilang bansa na solusyunan ang isyu.

Facebook Comments