Ikinakampanya ngayon ng Ecowaste Coalition at Caritas Philippines “holitrash” o ang pag-iwas ng publiko sa holiday trash ngayong holiday season.
Ayon kay Ecowaste Coalition Zero Waste Campaigner Jove Benosa, dapat bawasan ng mga consumer ang labis na pamimili ng mga bagay na mag-iiwan lamang ng tone-toneladang basura na magpaparumi sa kapaligiran.
Umapela naman ang Caritas Philippines sa publiko na ipagdiwang ang panahon ng Kapaskuhan bilang “One Nation” sa paraang hindi makakasama sa kapaligiran.
Pakiusap ni Benosa sa publiko na mag-recycle ng regalo o kaya itabi ang mga bagay na maaring mapakinabangan para maiwasan ang “holitrash”.
Facebook Comments