
Muling nanawagan ang grupong EcoWaste Coalition na gawing people-, pet-, at planet-friendly ang pagsalubong ng Bagong Taon.
Dahil dito, patuloy pa rin ang kanilang kampanyang Iwas Paputoxic dalawang araw bago ang New Year.
Hinimok ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero ang iba pang komunidad na suportahan ang kampanya at talikuran na ang nakapipinsalang tradisyon ng paggamit ng paputo.
Paliwanag niya, nagdudulot kasi ito ng usok, ingay, stress sa mga alagang hayop, at aksidente na kadalasang biktima ay mga bata.
Mas maigi aniya ay gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay tulad ng mga lata at iba pang homemade na pampaingay.
Facebook Comments










