Pinag-iingat ng EcoWaste Coalition ang publiko lalo na ang mga mahilig mag-‘add-to-cart’ sa mga online shopping platforms sa mga ibinibentang skin-whitening o lightening products.
Ayon sa grupo, kailangang maging mapanuri ang mga mamimili sa kanilang bibilhing beauty products dahil ilan sa mga ito ay naglalaman ng nakalalasong substance na mercury.
Mula sa 65 sample products na kanilang nabili sa online dealers, 40 dito ang nakitaan ng mataas na lebel ng mercury.
Ayon kay EcoWaste Chemical Safety Manager Thony Dizon, dapat binabantayan at tanggalin ng mga online shopping at social media sites ang mga nagbebenta ng pekeng cosmetic products na may mercury content.
Apela ng grupo sa mga Pilipino na tanggapin ang kanilang natural skin color at huwag tangkilikin ang mga chemical whitener.
Nagpasa na ang EcoWaste sa Food and Drug Administration (FDA) ng kopya ng report.