EcoWaste Coalition, nagbigay ng saving tips para sa pagtitipid ng tubig

Manila, Philippines – Sa harap ng nararanasang water shortage, nagbigay ng ilang saving tips ang na EcoWaste Coalition para sa pagtitipid sa paggamit ng tubig.

Kasabay nito, umapela ang naturang environmental protection group sa mga household, maging sa commercial at industrial consumers.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator, EcoWaste Coalition dapat maging maingat sa paggamit ng tubig para hindi maging aksaya.


Para maiwasan aniya na masayang ang tubig, kailangang gawin ang mga sumusunod na saving tips:

  • Pag-aayos sa mga tulo sa mga tangke, tubo, gripo, showerheads at mga hose.
  • I-off ang gripo habang nag to-tootbrush ng ngipin o pag-ahit.
  • Huwag magbabad sa shower o hindi kaya ay gumamit na lang ng tubig sa timba.
  • Gamitin daw ng ilang beses ang tuwalya bago labhan o ilagay sa laundry basket.
  • Ipunin ang mga nagamit nang tubig at maaari pang ipanghugas ng kotse, paglilinis sa mga garahe o pambuhos sa CR.
  • Sapat lang daw ang tubig na ipambuhos sa CR o sapat lang para pang flush sa inidoro.
  • Pwede ring ipunin ang tumutulong tubig sa mga air-conditioners para ipandilig sa halaman.
  • Gawin ang pagdilig ng halaman tuwing umaga o gabi dahil malamig ang temperatura.
  • Iwasan muna ang paggamit ng washing machine kung kaunti lang ang labahan.
  • Hugasan ang mga prutas at gulay sa isang maliit na palanggana at hindi sa dumadaloy na tubig sa gripo at ang pinaghugasan ay maaari pang ipandilig. 

    Base sa pinakahuling reading sa water elevation ng Angat Dam as of 8 AM kanina sumadsad na sa 158.75 meters ang lebel ng tubig dito kumpara sa 159.04 kahapon ng alas 8 ng umaga.

    Habang may pagtaas naman sa water elevation sa La Mesa Dam na abot na sa 69.56 meters kumpara sa 68.67 kahapon sa kahalintulad na oras.

    Nakatulong umano ang pag-uulan sa magdamag sa pagtaas ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam.

Facebook Comments