EcoWaste coalition, nagtipon-tipon sa tanggapan ng Comelec

Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition sa harap ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila ngayong araw.

Ito ay para ipanawagan ang isang malinis at maka-kalikasan na halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Panawagan ng grupo sa mga kandidato na iwasan ang paggamit ng mga plastic tarpaulin na may nakalalasong kemikal; huwag magpako ng posters at katulad sa mga puno at iba pang lugar na bawal; iwasang magkalat sa mga campaign event at botohan; at iba pa.


Payo ng Ecowaste Coalition sa mga kandidato, gumamit ng mga recycle at non-toxic na mga campaign materials, iwasan ang single-use plastics, pairalin ang solid waste management, at kusang maglinis matapos ang eleksyon, talo man o panalo.

Facebook Comments