Umapela ang environmental group na EcoWaste Coalition sa lahat ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) candidates na iwasan na ang paggamit ng mga tarpaulin sa panahon ng kampanya.
Itoy habang hindi pa naaamyendahan ang Republic Act No. 9006, o ang Fair Election Act na isinusulong ni Senador Raffy Tulfo na naghain ng Senate Bill No. 1762.
Hinihiling ng senador ang hindi na paggamit ng mga plastic poster sa panahon ng kampanya sa halalan sa layuning protektahan ang kalusugan ng publiko at mapanatili ang mas malinis na environment.
Ayon sa environmentalist group, karamihan sa mga tarpaulin ay gawa sa Polyvinyl Chloride o PVC plastic na nagtataglay ng carcinogenic substances tulad ng vinyl chloride at cadmium.
Hiniling na rin ng grupo sa Commission on Elections o COMELEC na gamitin ang kanilang kapangyarihan na kontrolin ang paggamit ng tarpaulins ng mga kandidato.