Hinikayat ng environmental group na EcoWaste Coalition ang publiko na gawing ligtas ang pagdiriwang at pagsalubong sa 2024 ng walang tradisyunal na paputok.
Sa kanilang inilunsad na “Iwas Paputoxic” campaign, sinabi ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na dapat unahin ang kaligtasan ng publiko at ang isang malinis, malusog at napapanatiling kapaligiran.
Paliwanag pa ni Lucero ang hindi aniya paggamit ng mga paputok sa panahon ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay magbibigay ng proteksyon sa mga karapatan ng mga tao at sa kapaligiran.
Dagdag pa ni Lucero ang hindi pagtangkilik sa mga paputok ay maiiwasan ang malakas na ingay, disgrasya, pagkasugat, sunog at polusyon sa hangin at kapaligiran.
Maaari namang gawing masaya ang selebrasyon kahit walang paputok.