Manila, Philippines – Nanawagan ang grupong EcoWaste Coalition at iba pang environmental group sa mga dadalo sa Traslacion na huwag magkalat at magtapon ng basura kung saan-saan.
Ayon kay Daniel Alejandre, ng EcoWaste Coalition, milyon-milyong tao kasi ang inaasahang lalahok sa mismong Traslacion sa Miyerkules.
Aniya, hinihikayat nila ang mga deboto na maglinis ng sariling kalat para maiwasan ang insidente.
Noong nakaraang taon kasi nasa 385 toneladang basura ang nakolekta ng pamahalaang lokal ng Maynila matapos ang Traslacion na mas mataas ng 11 porsiyento sa 341 toneladang basura noong Traslacion 2017.
Facebook Comments