ECQ cash aid, matatanggap na ng mga taga-Barangay Putatan, Muntinlupa bukas

Ipapamamahagi na bukas ng Muntinlupa City government ang enhanced community quarantine o ECQ cash aid para sa mga pamilya nito na lubhang naapektuhan ng pagpapatupad ng ECQ bunsod ng COVID-19 pandemic.

Meron tatlong venue na itinalaga ang lungsod sa naturang barangay upang maiwasan ang pagkukumupulan ng mga tao.

Ito ay ang Barangay Putatan Barangay Hall covert court, Bluss Covered Court at
Evacuation Center o Multi- purpose Hall sa Guillermo St.


Pakiusap ng pamahalaang lungsod na i-check sa kanilang official facebook account ang listahan ng qualified beneficiaries at ang oras ng pag-claim ng kanilang ayuda.

Pinapayuhan din ang mga kukuha ng ayuda na magdala dalawang kopya ng valud ID, kasama na ang ID ng mga dependent na may tig-tatlong lagda at dalhin din ang kanilang social amelioration card form.

Facebook Comments