ECQ, dapat manatili sa NCR Plus hanggang bumaba ang hospital admission

Dapat na manatili ang enhanced community quarantine (ECQ) status sa “NCR Plus” bubble hangga’t hindi bumababa ang bilang ng mga COVID-19 patients na dinadala sa mga ospital.

Mungkahi mismo ito ni National Task Force Against COVID-19 medical expert Dr. Ted Herbosa matapos na muling palawigin ang ECQ sa NCR Plus hanggang April 11.

Katwiran ni Herbosa, ang pagsasailalim sa ECQ ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna ay hindi para makontrol ang pandemya kundi para protekhan ang healthcare system ng bansa mula sa overcapacity.


Dapat din aniyang ikonsidera sa pagpapaluwag ng quarantine restriction ang COVID-19 reproduction number at test positivity rate.

Sa ngayon, nasa 1.4 hanggang 1.8 ang COVID-19 reproduction number na dapat sana ay hindi lalampas sa 1.

Habang ang positivity rate ay dapat na mapababa sa below 5% mula sa kasalukuyang 24%.

Ayon kay Herbosa, dapat na mai-isolate ang super spreader ng virus para mapababa ang hawaan.

Facebook Comments