ECQ extension, bilyon-bilyong piso ang mawawala sa ekonomiya – ECOP

Tinatayang nasa bilyon-bilyong piso ang mawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa pagpapatupad ng one-week extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Ayon kay Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis Jr., “minimal” lamang ang impact ng ECQ sa ekonomiya dahil sa Holy Week.

Pero ang pagpapalawig aniya ng ECQ ay aabutin ng bilyon ang halaga mawawala sa ekonomiya.


Iginiit ni Ortiz-Luis na dapat tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng quarantine areas para hindi mapuno ang mga ospital.

Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang pagpapatupad ng dalawang linggong ECQ ay tinatayang nasa ₱2.1 billion ang mawawala sa Pilipinas kada araw at tataas ang bilang ng mga nagugutong sa 58,000 at bilang ng mga walang trabaho sa 128,500.

Facebook Comments