ECQ extension sa NCR Plus bubble, pag-dedesisyonan sa Sabado de Gloria!

Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang mga datos sa epekto nang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus bubble sa COVID-19 cases.

Sa interview ng RMN Manila kay Department of Health Sec. Francisco Duque III, tinitignan na nila kung may pagtaas o pagbaba sa COVID-19 cases na isa sa magiging batayan kung magkakaroon ng quarantine extension.

Ayon kay Duque, bagama’t isinusulong ng DOH na palawigin pa ang ECQ, pagdedesisyonan pa rin ito sa nakatakdang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force sa April 3, 2021, Sabado de Gloria.


Kaugnay nito, nagpahayag naman ng suporta si San Juan City Mayor Francis Zamora sa panukalang palawigin pa ang quarantine status sa Metro Manila at apat na lalawigan.

Giit ng alkalde, masasayang lang ang pinaghirapan ng lahat para mapababa ang kaso ng COVID-19 kung agad na babawiin ang ECQ sa April 5, 2021.

Facebook Comments