Iginiit ng Department of Health (DOH) na mapapabagal ang surge ng COVID-19 cases sa tulong ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, layunin ng ECQ na mapabagal ang paglobo ng mga kaso, at mahinto ang pagkalat ng case variants.l
Makakatulong din aniya ito na makarekober ang health system ng bansa.
Mabibigyan din ng panahon para resolbahin ang ilang problema tulad ng hindi pagsunod ng publiko sa minimum health standards, at pagpapaigting ng contact tracing, isolation at quarantine.
Kung hindi magpapatupad ng hard lockdown, posibleng sumampa sa 430,000 ang active cases sa bansa at mayorya ng kaso ay nasa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Abril.
Facebook Comments