ECQ, posibleng ibalik kapag tumaas ang kaso ng COVID-19 pagkatapos ng Holiday season!

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng maisailalim muli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang bansa kung magpapabaya ang publiko ngayong Holiday season.

Sa interview ng RMN Manila, umapela si DILG Secretary Eduardo Año sa publiko na sumunod sa health protocols para maiwasan ang panibagong wave ng COVID-19.

Ayon sa kalihim, kahit mababa na ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa nakalipas na isang buwan, hindi pa rin dapat magpakampante ang mga tao.


Kasabay nito, pinabulaanan ni Año ang mga kumakalat na ulat sa social media na magpapatupad ng “Christmas lockdown” sa bansa simula December 23 hanggang January 3.

Paalala ng kalihim, beripikahin muna ang impormasyon bago ito i-post sa social media para hindi magdulot ng panic sa publiko.

Facebook Comments