ECQ sa Isabela, Maaaring Tumagal pa Ayon kay Gov Albano III!

Cauayan City, Isabela – Naniniwala si Isabela Governor Rodito Allbano III na maaaring hindi lang hanggang Disyembre ngayong taon ang nararanasang Quarantine sa buong bansa.

Ito ang sinabi ng Gobernador sa interview sa kanya sa isinagawang pagpupulong kasama ang mga city at municipal mayors sa Isabela.

Ayon kay Governor Albano III, ito ang magiging senaryo hanggang wala pang nadidiskubre o nai-imbentong bakuna laban sa COVID 19.


Nilinaw pa ng punong lalawigan na nasa ECQ ang Isabela sa kasalukuyan.

Nanawagan pa si Albano na huwag magpakampante ang mga mamamayan sakali mang mailagay ang Lalawigan sa GCQ dahil pareho pa rin itong quarantine.

Ipapatupad pa rin umano ang mga guidelines para mabantayan ang mga gawain na maaaring magdulot sa pagkalat ng virus.

Sa kabila nito, tiniyak ng punong Lalawigan na nakahanda ang Isabela basta magkaroon lamang ng tinatawag na economic stimulus.

Tututok ngayon ang programa ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapalakas sa agrikultura, sanitation at food production.

Isusulong nila ang pagsasaayos sa sistema ng patubig sa bawat barangay ng Isabela.

Nakahanda umanong sumuporta ang kanyang administrasyon sa mga punong lungsod at punong bayan.

Sa ngayon ay mahigpit ang tagubilin ni Governor Albano na sundin at ipatupad ang tinatawag niyang four pillars ng quarantine ng pag susuot ng face mask, pag obserba sa social o physical distancing, pagbabawal sa mass gathering o pangmaramihang pagtitipon at tamang kalinisan sa katawan.

Facebook Comments