Muling pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa mga “high-risk” o mga lugar na mataas pa rin ang banta ng COVID-19.
Tatagal ang panibagong extension ng ECQ sa May 15 sakop ang:
- Metro Manila
- Region 3 – Central Luzon (Tarlac at Zambales pwede pa magbago by April 30)
- Region 4-A (Calabarzon)
- Benguet (pwede pa magbago by April 30)
- Pangasinan (pwede pa magbago by April 30)
- Mindoro provinces
- Albay
- Catanduanes
Subject to rechecking naman ang Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Cebu, Cebu City, Davao del Norte, Davao City at Davao de Oro.
Habang ang mga lugar na hindi sakop ng ECQ o mga itinuturing na moderate at low-risk areas ay isasailalim sa “new normal” o General Community Quarantine (GCQ) simula May 1 hanggang 15.
Sa ilalim ng GCQ, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force ang mga sumusunod:
- Papayagan nang makapagtrabaho ang mga manggagawa sa sector 1, 2 at 3 at ito ay gagawin sa pamamagitan ng work-in phase
- Papayagan ang mga non-workers na lumabas ng kanilang tahanan para bumili ng pagkain at iba pang basic necessities
- Hindi pa rin papayagang lumabas ng bahay ang mga batang edad 0-20, senior citizens at may high health risk
- Papayagan ang partial opening ng mga non-leisure stores sa mga mall
- Pagpapatuloy ng mga priority at essential construction projects alinsunod sa guidelines na ilalabas ng DPWH
- Papayagang mag-operate ang mga public transportation at reduced capacity batay sa guidelines na ilalabas ng DOTR
- Bubuksan na ang mga airport at seaport para sa pagbiyahe ng mga pagkain at pangunahing pangangailangan
- Patuloy na ipatutupad ng LGU ang curfew sa gabi para sa mga non-workers
- Pwede nang ituloy ng higher education institution ang klase para tapusin ang academic year at mag-isyu ng credentials sa mga mag-aaral batay sa ilalabas na guidelines ng CHED
Kaugnay nito, ikokonsidera rin ng pamahalaan ang pagbubuhos ng Social Amelioration cash subsidy sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng ECQ.
Facebook Comments